PROLOGUE
<Lianne's POV>
What if ma-in love ang isang playgirl na katulad ko?
Tapos, hindi in love sa'kin 'yung taong mahal ko. Ang sad noon, di ba?
Tapos, paglalaruan niya 'ko katulad ng mga ginawa ko sa mga naging boyfriend ko.
Tapos, iiwan niya 'ko.
Tapos, maghahabol ako sa kanya na parang tanga.
Tapos, siya, tuwang-tuwa sa paghahabol ko sa kanya.
Tapos, ako? Iniiyakan siya.
Tap--,
"Hoy, Lianne! Ano na? Aalis na tayo nakatunganga ka pa d'yan."
Ano ba naman 'yan? Nag-e-emote pa nga ako dito, eh! Panira talaga 'tong bestfriend ko, si Renz!
Pupunta kami ngayon sa Boracay with our families. Magkaibigan na ang mga parents namin since high school. Kaya ayan, lumaki kami ni Renz at ng kuya niya ng magkakasama.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko tapos di ko siya pinansin. Dumiretso na ako ng lakad papunta sa van. Nilagpasan ko lang siya.
"Uy! Hintay naman, Best." Sabi niya habang sumusunod sa'kin.
"Ang bagal mo kasi!" Haha! Siya pa mabagal, eh ako nga 'yung sinundo niya doon sa garden namin.
"Bakit ang sungit mo? Na-interrupt ko na naman ba ang pagde-daydream mo?" Tanong niya. Nakasabay na siya sa paglalakad ko.
"Nakuha mo!" Wala na talaga akong maitatago sa kanya. Kabisadung-kabisado na niya ako!
Tinawanan niya ako tapos umakbay sa'kin. "Alam mo, Best.. Bakit kasi ayaw mo pang aminin kay kuya 'yang pagsintang-pururot mo sa kanya?"
Napa-kunot noo ako sa sinabi niya. Itunulak ko siya palayo para matanggal 'yung pagkakaakbay niya sa'kin nang mag-sink sa utak ko ang sinabi niya.
"Tigilan mo nga ako, Best!"
'yun ang lagi niyang sinasabi sa'kin kapag nahuhuli niya akong nagde-daydream. =.="
Pero kahit kailan naman hindi pumasok sa pagde-daydream ko ang kuya niya, 'no! >___<
Kahit kailan talaga 'tong bestfriend ko, ayaw maniwala na wala naman akong gusto sa kuya niya. Playboy kaya 'yun! Parang ako lang, playgirl. Hehehehe. XD
Nakarating na kami sa pinagpaparadahan ng van na sasakyan namin papuntang airport.
Buti na lang hindi na niya ulit ako inasar. ^___^
"Wala na bang nakalimutan?" Tanong ng Mommy ko.
"Wala na po." Sabay naming sagot ni Renz.
**
Sa van, katabi ko sa kanan si Renz at sa kaliwa naman 'yung kuya niya, si Mark. Nasa pangatlong row kami ng van. Ang mga magulang ko naman nasa pangalawang row kasama si Tita Belle, Mommy ng magkapatid, at nasa passenger's seat si Tito Rick, ang Daddy naman nila, na katabi ang driver.
Nakita kong nagre-ready na sa pagtulog sa biyahe si Renz.
Antukin talaga 'tong bestfriend ko. =.="
Si Mark, ayan may ka-text na naman.
Malamang bagong girlfriend na naman niya ang ka-text niya. Hmpffff! Playboy talaga. Hahahahah! Makapag salita ako, kala mo naman ako hindi playgirl. XD
Well, kahit naman kasi playgirl ako, alam ko limitations ko. ^___^ Si Mark kasi parang walang babaeng nagdaan sa buhay niya ang hindi niya nakuha! I mean, 'yung alam niyo na... sex. >___<
Teka teka, ano bang pakealam ko sa kanila ng mga nakarelasyon niya at kung anuman ang mga nangyari sa kanila? >___< Tsss! Nevermind.
Kinuha ko ang iPod ko at inilagay ang headset sa magkabilang tainga ko.
Magsa-sound trip na lang ako. ^___^
Maya-maya, hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.


'Playing Love Games - Prologue' statistics: (click to read)

